Pakikipagbuno sa Tukso

Interpretasyon at Paglalapat Unang Linggo ng Kwaresma
Ika-5 ng Marso 2017

Pakikipagbuno sa Tukso

I. Ang Texto: Mateo 4.1-11

Ang Pagtukso kay Jesus (Magandang Balita Biblia (MBBTAG), Copyright © Philippine Bible Society 2012)

1 Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Siya’y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya’t siya’y nagutom. Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya,

“Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito.” 

4 Ngunit sumagot si Jesus,

“Nasusulat,

‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”

Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. 

Sinabi nito sa kanya,

“Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo’y hindi masaktan.’”

Ngunit sumagot si Jesus,

“Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’”

Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang karangyaan ng mga ito. 

Sinabi ng diyablo sa kanya,

“Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”

10 Kaya’t sumagot si Jesus,

“Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

11 Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya’y pinaglingkuran nila.

Continue reading Pakikipagbuno sa Tukso

Batas ng Asin at Ilaw

Interpretasyon at Paglalapat Ika-5 na Linggo Makaraan ang Epifania
Ika-5 ng Pebrero 2017

Batas ng Asin at Ilaw

I. Ang Texto: Mateo 5.13-20

Asin at Ilaw

 13 “Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?

14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Katuruan tungkol sa Kautusan

17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a] Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. 18 Tandaanninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi natutupad ang lahat. 19 Kaya’t sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. 20 Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”

Continue reading Batas ng Asin at Ilaw

Ang Pararangalan

Interpretasyon at Paglalapat Ika-4 na Linggo Makaraan ang Epifania
Ika-29 ng Enero 2017

Ang Pararangalan

I. Ang Texto: Mateo 5.1-12

Ang Sermon sa Bundok

1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at siya’y nagsimulang magturo sa kanila.

Ang mga Pinagpala

“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,     sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit. “Pinagpala ang mga nagdadalamhati,     sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba,     sapagkat mamanahin nila ang daigdig. “Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos,     sapagkat sila’y bibigyang kasiyahan ng Diyos. “Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. “Pinagpala ang mga may malinis na puso,     sapagkat makikita nila ang Diyos. “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,     sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos. 10 “Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,     sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

11 “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan][a] nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”

Continue reading Ang Pararangalan

Pangingisda

Interpretasyon at Paglalapat Ikatlong Linggo Makaraan ang Epifania
Ika-22 ng Enero 2017

Pangingisda

I. Ang Texto: Mateo 4.12-23

Ang Simula ng Paglilingkod ni Jesus sa Galilea

12 Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. 13 Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. 14 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

15 “Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! 16 Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.”

17 Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo niyang,

“Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”

Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda

18 Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. 19 Sinabi ni Jesus sa kanila,

“Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”

20 Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.

21 Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus.22 Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.

Pangangaral at Pagpapagaling ni Jesus

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao.

Continue reading Pangingisda

Mga Disipulo ng Kordero

Interpretasyon at Paglalapat Ikalawang Linggo Makaraan ang Epifania
Ika-15 ng Enero 2017

Mga Disipulo ng Kordero

Ang Texto: Juan 1.29-42

Ang Kordero ng Diyos

29 Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya,

“Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 30 Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong ang dumarating na kasunod ko ay higit sa akin, sapagkat siya’y naroon na bago pa man ako ipanganak. 31 Hindi ko rin siya kilala noon subalit ako’y naparitong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”

32 Ganito ang patotoo ni Juan:

“Nakita ko ang Espiritu na bumababa na parang isang kalapati na buhat sa langit at nanatili sa kanya. 33 Hindi ko nga siya kilala noon. Ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang siyang nagsabi sa akin,

‘Kung kanino mo makitang bumabâ at manatili ang Espiritu, siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.’

34 Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang Anak ng Diyos.”

Ang Unang Apat na Alagad ni Jesus

35 Kinabukasan, naroon muli si Juan kasama ang dalawa sa kanyang mga alagad. 36 Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi,

“Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos!”

37 Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, kaya’t sumunod sila kay Jesus. 38 Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila’y tinanong niya,

“Ano ang kailangan ninyo?”

Sumagot sila,

“Saan po kayo nakatira, Rabi?”

Ang kahulugan ng salitang ito’y Guro.

39 “Halikayo at tingnan ninyo,”

sabi ni Jesus.

Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo’y mag-aalas kuwatro na ng hapon.

40 Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito,

“Nakita na namin ang Mesiyas!”

Ang kahulugan ng salitang ito’y Cristo. 42 At isinama ni Andres si Simon kay Jesus.

Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya,

“Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas”[a]

(na ang katumbas ay Pedro[b]).

Continue reading Mga Disipulo ng Kordero

Pagiging Matuwid

Interpretasyon at Paglalapat Unang Linggo Matapos ang Epifania
Ika-8 ng Enero 2017

Pagiging Matuwid

Ang Texto: Mateo 3.13-17

Binautismuhan si Jesus

13 Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. 14 Ngunit tinangka ni Juan na pigilan siya at sinabi,

“Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?” 

15 Subalit sumagot si Jesus,

“Hayaan mong ito ang mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.”

Kaya’t pumayag din si Juan. 16 Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya. 17 At isang tinig mula sa langit ang nagsabi,

“Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”

Continue reading Pagiging Matuwid

Ang mga Pantas

Interpretasyon at Paglalapat Epifania ng Panginoon
Ika-6 ng Enero 2017

Ang mga Pantas

I. Ang Texto: Mateo 21-12

Ang Pagdalaw kay Jesus

1 Panahon ng paghahari ni Herodes[a] sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas[b] mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila,

aMateo 2:1 HERODES: Ang Herodes na tinutukoy dito ay si Herodes na Dakila, na itinalagang hari ng Judea noong 40 B.C.

bMateo 2:1 pantas: o kaya’y mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin .

“Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya’t naparito kami upang siya’y sambahin.”

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya’y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. Kaya’t tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila’y tinanong,

“Saan ba isisilang ang Cristo?” 

Tumugon sila,

“Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng propeta:

‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,     ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’”

Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin,

“Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”

Pagkarinig sa bilin ng hari, sila’y nagpatuloy sa paghahanap. Ang bituin na nanguna sa kanila mula pa sa silangan ay tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata. 10 Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. 11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.

12 Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya’t nag-iba na sila ng daan pauwi.

Continue reading Ang mga Pantas

Si Hesus

Interpretasyon at Paglalapat Araw ng Pasko
Ika-25 ng Disyembre 2016

Si Hesus

Ang Teksto: Mateo 121-23

Isinilang si Jesu-Cristo
18 Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 19 Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan[a] si Maria nang palihim.

20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

24 Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.

Continue reading Si Hesus

Pamilya Ko, Matatag sa Metodismo, Masayang Naglilingkod kay Kristo

Interpretasyon at Paglalapat Unang Linggo ng Pagdatal
Ika-27 ng Nobyembre 2016

Paghahanda

I. Ang Teksto: Mateo 2436-44

II. Interpretasyon

Mt 24.36: kelan darating ang kristo?

  1. Walang nakakaalam, kahit ang mga anghel at ang Panginoong HesuKristo
  2. Tanging ang Diyos Ama lang ang nakakaalam kung kelan.

Mt 24.37-39 bago dumating ang kristo, ang lahat ng pamilya, nagkakainan at nag-iinuman, dahil sila’y may mga handaan dahil sila’y nagsisipag-pakasal at ipinakakasal, sila’y nagkakainan at nag-iinuman, dahil sila’y may mga handaan dahil sila’y may mga thanxgiving,pasko at bagong taon.

Pagdating ng kristo, ang lahat ng pamilya, matatangay.

Mt 24.40-41 dalawang tao’y naghanap ng ikabubuhay; ang isa’y isasama at ang isa’y iiwan. Dalawang tao ang naggawaing-bahay, ang isa’y isasama at ang isa’y iiwan.

Continue reading Pamilya Ko, Matatag sa Metodismo, Masayang Naglilingkod kay Kristo

Pagtagumpayan ang mga Hamon ng Ating Nagbabagong Panahon

Interpretasyon at Paglalapat Unang Linggo ng Pagdatal
Ika-27 ng Nobyembre 2016

Pagtagumpayan ang mga Hamon ng Ating Nagbabagong Panahon

I. Ang Texto: Matthew 24.36-44

A. Walang Nakakaalam ng Araw o Oras

36 “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[a] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya’t maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya’y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya’t lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.” (MBBTAG)

Continue reading Pagtagumpayan ang mga Hamon ng Ating Nagbabagong Panahon